Ibinahagi ni Health Secretary Ted Herbosa na nag-“plateau” na ang kaso ng pertussis o “whooping cough” sa bansa.
Nangangahulugan aniya na hindi na tumataas ang bilang ng mga kaso.
Gayunpaman, pagtitiyak ng kalihim na nakatutok ang kanilang Regional Epidemiology Units sa naturang sakit para makatiyak na tamang datos ang kanilang nakukuha.
Simula aniya noong Enero, nakapagtala na sila ng 862 kaso at may 49 na ang namatay.
Dagdag pa niya, 58 porsiyento ng mga kaso ay may edad anim na linggo hanggang apat na buwan.
Pagbabahagi pa ni Herbosa na ang mataas na bilang ng mga kaso ay dahil sa hindi pagpapabakuna ng pangontra sa sakit.
MOST READ
LATEST STORIES