Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang pinakamataas na naitalang heat index ngayon araw ay 46°C at naramdaman ito sa Guiuan, Easter Samar.
Ayon sa PAGASA ang pagpapatuloy na aktibidad sa naitalang “dangerous heat index” ay maari nang magdulot ng heat stroke.
Naitala naman ang 42°C heat index sa Catarman, Northern Samar at Cotabato City, Maguindanao.
Sa Metro Manila ang naitatalang heat index ay mula 33 hanggang 41°C, na kinakailangan naman ang ibayong pag-iingat.
Dumadami ang mga lugar sa bansa na nagsususpindi ng in-person classes upang protektahan ang mga mag-aaral at mga guro sa matinding alinsangan dulot ng panahon ng tag-tuyo sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES