VP Robredo, nangakong susuportahan ang Duterte admin

 

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na ang pangunahing responsibilidad niya ay ang humakot ng suporta para sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Robredo, ang suportang ilalaan ng publiko sa administrasyon ay hindi lang para sa pangulo kundi para sa buong bansa.

Dagdag pa ni Robredo, walang magandang maitutulong ang pagtatalo ng mga lider sa bansa, bagkus ay mas makatutulong kung magtutulong-tulong ang lahat para gawing posible ang mga bagay na mukhang imposible.

Giit pa ng pangalawang pangulo, dapat harapin agad ngayon ang mga problema ng bansa dahil ito ay sumasalamin sa mga pagdurusa ng mga mamamayan.

Aniya pa, kahit pa wala siyang makuhang posisyon sa Gabinete, maari pa rin siyang makatulong sa pagtitiyak na maramdaman ng masa ang gumagandang ekonomiya ng bansa.

Gagawin niya aniya ito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pribadong sektor upang maresolbahan ang problema ng pagka-gutom, at matiyak na maabot ng publiko ang universal health care, at maayos na edukasyon.

Read more...