Ro-Ro vessel, tinupok ng apoy sa Navotas

 

Isang Ro-Ro vessel ang nasunog habang nakadaong sa Navotas Fishport kagabi.

Ayon sa Navotas Bureau of Fire Protection, pasado alas-9:00 ng gabi ng magsimulang masunog ang MV Grand Unity.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP pero sa inisyal na pagsisiyasat, lumilitaw na  kinukumpuni ang barko kaya ito nakadaong ito sa Navotas Fishport.

Wala naman nasaktan o nadamay na barko sa nasabing sunog.

Sa ngayon tanging usok na lamang ang nakikita sa barko.

Read more...