Digong dinipensahan ni Sen. Imee Marcos sa “gentlemen’s agreement” sa China

Kung totoo ang pakikipagkasundo sa China, dinipensahan ni Sen. Imee Marcos si dating Pangulong Duterte dahil hindi kaya ng Pilipinas ang makipag-giyera.

Ipinagtanggol ni Senator Imee Marcos si dating Pangulong Duterte sa pagpasok nito sa sinasabing “gentlemen’s agreement” sa China kaugnay sa isyu ng agawan sa ilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Katuwiran ni Marcos maaring naging praktikal lamang ang dating pangulo kung totoo na nakipagkasundo ito sa China at ito naman aniya ay maaring para iwas-gulo.

Itinuro ng senadora ang namayapang Pangulong Noynoy Aquino at dating Sen. Antonio Trillanes IV dahil kumagat sila sa pambobola ng US noong 2012.

Nagbunga ito nang pagpapatayo ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Kayat pakiusap niya sa nakakabatang kapatid, si Pangulong Marcos Jr., na huwag magpagamit sa mga Amerikano.

Read more...