Bunga ng matinding init, ilang eskuwelahan sa Visayas at Mindanao ang nagsupindi ng in-person classes.
Kinumpirma ito ni Education Asec. Francis Bringas at aniya magsasagawa na lamang ng alternative delivery mode (ADM) upang hindi lubos na maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante.
Aniya ngayon at bukas ay suspindido ang mga in-person classes sa Iloilo City mula pre-school hanggang senior high school, samantalang ang mga pang-hapon na klase lamang ang sinuspindi sa Tantangan, South Cotabato.
Sinuspindi din ang mga pasok sa mga eskuwelahan, pribado at pampubliko sa Bacolod City, Roxas, Capiz, Kabankalan, Negros Occidental, at E.B. Magalona sa Negros Occidental.
Nagbabala na ang Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration (PAGASA) na ilang lugar ang maaring magtala ng “dangerous heat indices” na maaring lubhang makaapekto sa kalusugan.