Barko na may 181 sakay sumadsad sa Real, Quezon

Ang ilan sa mga nailigtas na pasahero ng sumadsad na MV Virgen De Peñafrancia II. (PHILIPPINE COAST GUARD PHOTO)

Ligtas na nailikas ang 181 sakay ng isang pampasaherong barko na sumadsad sa Real Port sa lalawigan ng Quezon kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) ang mga nailigtas ay kinabibilangan ng 152 pasahero at 29 tripulante ng MV Virgen De Peñafrancia II, na pag-aari ng Starhorse Shippine Lines.

May karga din ang barko na 16 sasakyan at 51 motorsiklo.

Nabatid na pinadpad sa mababaw na bahagi ng Real Port ang barko ng malakas na alon habang low-tide habang ito ay nagmamaniobra patungo sa Polillo Port dakong alas-10 ng umaga.

Ibinalik na lamang ang mga pasahero sa Real Port gamit ang mga pribadong bangka.

Nakapagsagawa na rin ng paunang oil spill assessment sa lugar at negatibo ang resulta.

 

 

 

Read more...