Binabalak ni Interior Secretary Benhur Abalos na magtalaga ng karagdagang mga pulis sa mga drug-affected barangays.
Kasunod ito ng matagumpay na istratehiya ng Muntinlupa City Police, nagtalaga ng mga pulis sa Barangay Putatan bilang kanilang “community policing strategy,”
Paliwanag ni Abalos ang plano ay para mas maintindihan ng mga pulis ang sitwasyon at makatulong sa pagbibigay solusyon sa mga problema ng residente.
Ito aniya ay bahagi na ng pagpapatupad ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program.
Binanggit din ng kalihim ang Revitalized Pulis sa Barangay (RPSB) program ong pambansang pulisya na istratehiya sa BIDA program na ang layon ay masolusyonan ang problema sa droga sa mga barangay.
“In the whole-of-nation, whole-of-government, whole-of community approach of BIDA, pinuputol natin pareho ang bunga at ang ugat mismo sa problema ng iligal na droga,” sabi ni Abalos.
Ibinahagi din nito na ang pagbibigay ng trabaho sa mga dating nakulong sa pamamagitan naman ng cash-for-work program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
“The problem with illegal drugs cannot be won by technology, it cannot be won by money but it can be won by hearts,” diin niya.