Bentahan ng mga sasakyan noong February umangat ng 23%

Tumaas ng higit 23 porsiyento ang bentahan ng mga sasakyan noong nakaraang buwan na may katumbas na 38,072. (INQUIRER PHOTO)

Patuloy ang pagdami ng mga sasakyan sa mga lansangan at noong Pebrero umangat ng 23.2% ang bentahan ng mga sasakyan, ayon sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA).

Sa pinagsamang ulat ng dalawang grupo, noong Pebrero 38,072 units ang naibenta mas mataas kumpara sa 30,905 noong Pebrero 2023.

Tumaas ng 34 porsiyento ang bentahan ng passenger cars, samantalang 19,8 porsiyento naman sa commercial vehicles.

Kung idadagdag ang naibentang sasakyan noong Enero, 72,132 units na ang naibenta sa unang dalawang buwan ng 2024.

Una sa pinakamadaming naibenta ang Toyota Motor Phils, sa 45.9 porsiyento, kasunod ang Mitsubishi Motors  na may 18.4 porsiyento, Fort Group na may 7.2 porsiyento, Nissan Philippines na may 7.1 porsiyento at Suzuki Philippines na may 4.1 porsiyento.

Ang target sales ngayon taon ng indusyriya ay 468,300 units na mataas ng siyam na porsiyento sa naibentang 429,807 units noong nakaraang taon.

 

Read more...