Nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa gobyerno na kumilos para maiwasan pa ang paglobo ng mga tinatamaan ng pertussis o matinding pag-ubo.
Ayon sa namumuno sa Senate Committee on Health kailangan din ang kooperasyon ng lomunidad para mapigil ang hawaan at maiwasan ang pagkamatay lalo na sa mga sanggol at bata.
Nabatid na marami na ang naiulat na kaso sa Quezon City at Pasig City.
“Napakahalaga ng pagiging alerto at pagtugon ng gobyerno sa paglaban sa pertussis. Ang sakit na ito, lalo na sa mga sanggol at bata, ay hindi dapat balewalain,” paalala ng senador.
May mga pagkilos naman na ang mga lokal na pamahalaan kasama na ang pagbabakuna at ang information campaign na may bakuna kontra sa sakit , gayundin ang post-exposure prophylaxis.