Apat na smuggled used luxury vehicles nasabat sa Cagayan de Oro

Ang isa sa nasabat na smuggled luxury vehicles sa Port of Cagayan de Oro na idineklarang used auto spare parts.

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Cagayan de Oro (BOC-CDO) ang ipinuslit na apat na sasakyan na nagkakahalaga ng P6.7 milyon.

Ang mga sasakyan na nagmula sa Japan ay isang 1985 Suzuki Jimny, isang 2001 Mercedes-Benz G Class, isang 2003 Toyota LC Prado, at isang 1995 Toyota LC Prado.

Nakadeklara ang mga sasakyan na 55 pakete ng mga second hand spare parts.

Nabatid na nagpalabas ng alert order si District Collector Alexandra Lumontad base sa kahilingan ng  Customs Intelligence and Investigation Service, Enforcement and Security Service at X-ray Inspection Project.

Nang madiskubre na may paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act, nag-isyu na ng  warrant of seizure and detention para sa mga naturang sasakyan.

Read more...