Kevin Durant, lilipat na sa Warriors

 

kevin durant
AFP/Getty Images

Mula sa Oklahoma City Thunder, lilipat na rin si basketball superstar Kevin Durant sa Golden State Warriors.

Inanunsyo ng 27-anyos na si Durant ang kanyang desisyon kasabay ng pagsasabi na ang hakbang ay bahagi ng kanyang pagpupursige na mas maging mahusay sa kanyang propesyon at mapagbuti ang kanyang pagkatao.

Batid din niya aniya na maraming mga fans ang malulungkot at madidismaya sa kanyang desisyon ngunit tiwala itong tama ang kanyang magiging hakbang.

Si Durant na 7-time NBA all star player at itinanghal rin na MVP noong 2014 ay inaasahang magpapalakas sa Golden State Warriors habang naghahanda ito para sa susunod na season.

Matatandaang naging matindi ang pagkatalo ng Warriors sa katatapos lamang na NBA finals matapos matalo sa score na 4-3 kontra Cleveland Cavaliers noong nakaraang buwan.

 

Read more...