Claimant ng P20.4-M halaga ng shabu timbog sa NAIA

Ang halos tatlong kilo ng shabu. (PDEG PHOTO)

Agad inaresto ng mga tauhan ng PNP – Drug Enforcement Group ang lalaki na kumuha ng P20.4 milyong halaga ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon.

Kinilala ang 51-anyos na suspek na si Mohammad Tammy Bagatao, alias Joseph Manasseh Acogido.

Inaresto si Bagatao sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Domestic Road, Pasay City ala-5 ng hapon.

Narekober sa kanya ang halos tatlong kilo ng shabu at ibat-ibang IDs.

Itinago pa sa packages ng food supplements ang droga.

Nahaharap siya sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...