Tinangka ng mga teroristang miyembro ng New People’s Army (NPA) na pasukin ang bayan ng Calauag sa lalawigan ng Quezon kahapon.
Nakasagupa ng mga tauhan ng Army 85th Infantry Batallion at lokal na pulisya ang mga rebelde sa hangganan ng Barangay Doña Aurora sa Calauag at Sta. Elena, Camarines Norte.
Nagpasabog ang mga terorista ng improvised explosive device (IED) ang mga miyembro ng NPA -SRMA 4B STRPC na nagresulta sa pagkakasugat ng dalawang sundalo.
Wala naman nadamay na mga sibilyan sa insidente.
Isang rebelde, na kinilala na alias Bibo, ang napahiwalay sa mga tumakas na kasamahan at sumuko sa katabing Barangay Apad.
Narekober din sa lugar ang isang Armalite rifle, mga bala, tatlong anti-personnel mines at mga personal na gamit.
Sa kabila nman ng pangyayari ay nanatili ang paninindigan ng AFP sa tuloy-tuloy na kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran ng bayan ng Calauag, at sa kabuuan ng Quezon Province.