Pangulong Marcos Jr., FL Liza bumuti na ang pakiramdam

Kapwa bumuti na ang pakiramdam ng First Couple matapos makaranas ng mga sintomas ng trangkaso. (LIZA MARCOS FACEBOOK PHOTO)

Kapwa nakabawi na sina Pangulong Marcos Jr., at First Lady Imelda Araneta-Marcos sa naranasan na mga sintomas ng trangkaso, ayon sa Malakanyang.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) balik-trabaho bukas ang Punong Ehekutibo.

“The President and the First Lady have completely recovered from their flu-like symptoms and are now in excellent health,”  ang pahayag ng PCO kaninang hapon.

“Their attending physician has confirmed that they are free from all symptoms, enabling them to promptly return to their regular duties, effective immediately,” dagdag pa ng PCO.

Nabatid na ngayon araw ay may hinarap na mga pulong si Marcos.

 

Read more...