Paulit-ulit na lang na nararanasan ang kakapusan ng tubig dahil sa El Nino.
Ito ang paalala muli ni Sen. Grace Poe sa mga water concessionaires kayat dapat aniya ay may water infrastructures na ang mga ito.
Kasunod na rin ito ng pahayag ng Manila Waterworks & Sewerage System (MWSS) na pagpapahina ng water pressure dahil sa bumababang antas ng tubig ng Angat Dam.
Sinabi ni Poe na dapat ay handa ang mga ahensiya dahil climate pattern na ang El Nino.
Dapat aniya ay minamadali ng water concessionaires ang pagpapatayo ng mga kinakailangang imprastraktura at pasilidad upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa mga konsyumer.
Ayon pa kay Poe bukod sa mga kabahayan, apektado din ng limitadong suplay ng tubig ang negosyo.
MOST READ
LATEST STORIES