Kaugnayan ng mayor sa ni-raid na Tarlac POGO hub huhukayin

Bamban Mayor Alice Guo dapat imbestigahan sa POGO hub. (PRIB PHOTO)

Nais ni Senator Sherwin Gatchalian na magsagawa ang  Department of the Interior and Local Government (DILG) ng malalimang imbestigasyon sa posibleng kaugnayan ni Bamban Mayor Alice Guo sa sinalakay na  Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa kanyang bayan kamakailan.

Sinabi ni Gatchalian na may mga nakuha silang dokumento na pinag-ugatan ng suspetsa kay Guo sa kaugnayan nito sa Zun Yuan Technology Inc., kabilang na ang pag-apruba ng Sangguniang Bayan sa aplikasyon noong 2020, kung kailan hindi pa nakaupo si Guo, para sa lisensiya ng Hongsheng Gaming Technology Inc.

“These are damning pieces of evidence that Mayor Guo might be involved in the operation of this POGO facility that is now implicated in various criminal activities. The DILG should look closely into the matter,” ani Gatchalian.

Sa mga sasakyan sa loob ng compound, isang Ford Expedition EL ang nadiskubreng nakarehistro kay Guo.

Bukod pa dito may nadiskubre din na billing statement mula sa  Tarlac II Electric Cooperative, Inc. (TARELCO II)  na nakapangalan kay Guo.

Naghain na si Gatchalian ng resolusyon para maimbestigahan ang mga sinasabing ilegal na aktibidad sa sinalakay na POGO hub noong Marso 13.

 

Read more...