Mataas na ratings ni PBBM magandang balita sa bansa, sambayanan – Revilla

Maganda sa paningin ng ibang bansa ang pagtaas ng satisfaction rating ni Pangulong Marcos Jr., sabi ni Sen. Bong Revilla Jr. (FILE PHOTO)

Ang bayan at mga Filipino ang makikinabang, ayon kay Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., sa pagtaas ng satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Revilla makakabuti ito sa ekonomiya sa pangkalahatan.

Indikasyon din aniya ito na tamang daan ang tinatahak ng gobyerno para sa bansa at sambayanan.

Pagkilala din ito sa mga pagsusumikap at pagtupad sa kanyang responsibilidad ni Marcos.

Sa latest survey, 47% ang bagong satisfaction rating ni Marcos at umangat ito mula sa 44% noong nakaraang Setyembre.

Ang pagtaas ng satisfaction rating ni Marcos, dagdag pa ni Revilla, ay nakakadagdag sa kumpiyansa ng ibang bansa sa Pilipinas.

Read more...