Kinondena ng husto ni Senator Francis Tolentino ang naging pahayag ng Chinese Coast Guard ukol sa isinasagawang resupply ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Tolentino kabastusan na ang naging pahayag ni CCG spokesperson Gan Yu. Unang sinabi ni Gan na nakakagalit ang resupply missions ng Pilipinas sa Ayungin Shoal sa katuwiran niya na paglabag na ito sa sobereniya, karapatan at interes ng China.
Tila panghihiya na ito ng Pilipinas sa China.
Sinabi naman ng namumuno sa Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, hindi nais ng Pilipinas na ipahiya ang China kundi simpleng pagdadala lamang ng mga pangunahing pangangailangan ang resupply missions sa Ayungin Shoal.
Nagpahayag din ng labis na pagkabahala ang senador sa muling pag-atake ng China sa resupply vessel Unaizah May 4 noong Sabado patungo sa BRP Sierra Madre.