Economic Cha-cha resolution lumusot na sa Kamara

FILE PHOTO

Bago ang pagsasara ng sesyon kanina para sa “Holy Week break,” naaprubahan na sa Kamara ang Resolution of Both Houses Number 7.

Nakakuha ng 289 affirmatives votes ang panukala, may pito na may “No” vote at dalawa ang nag-abstained matapos ang ikatlo ang pinal na pagbasa.

Ang RBH 7 ay katulad ng Resolution of Both Houses No. 6 na inihain sa Senado at ang layon ay amyendahan ang ilang probisyong pang-ekonomiya sa Saligang Batas.

Magugunita na sina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., Deputy Speaker David Suarez, at Majority Leader Manuel Jose Dalipe ang naghain ng RBH 7.

Samantala, ang RBH 6, na naunang inihain sa Senado, ay nasa Subcommittee on Constitutional Amendments, na pinamumunuan ni Sen. Sonny Angara.

 

Read more...