Dalawandaan at walumput apat na kongresista ang sumang-ayon sa panukalang kanselahin ang prangkisa ng Swara Sug Media Corporation, ng Sonshine Media Network International (SMNI).
May apat na nagpasok ng negatibong boto at apat din ang nag-abstain nang pagbotohan ang House Bill 9710.
May 25 taon ang bisa ng prangkisa ng Swara Sug alinsunod sa RA 11422
Sinabi ni 1-Rider Party-list Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez, ang awtor ng panukala, malinaw na may mga naging paglabag sa kanilang pranglisa ang SMNI.
Nabigo aniya ang broadcasting company na maghatid ng makatotohanan at balanseng pag-uulat.
Binanggit din ni Gutierrez na nalabag ng SMNI ang Sections VII ,X at XI ng kanilang prangkisa.
Si Pastor Apollo Quiboloy ang kinilalang “chairman” ng SMNI.