First Couple may mga sintomas ng trangkaso, pinagpapahinga

Magpapahinga muna ang First Couple ng ilang araw, ayon sa Malakanyang. (PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE PHOTO)

Kapwa may mga sintomas ng trangkaso sina Pangulong Marcos Jr., at First Lady Liza Araneta-Marcos, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Pinayuhan ang First Couple ng kanilang doktor na magpahinga at uminom ng  gamot.

Isinalarawan naman ng PCO na “stable” ang kondisyon ng mag-asawa.

“Following their full schedule these last few days, the President and the First Lady developed flu-like symptoms,” sabi pa ng PCO.

“They have been taking fluids and medication to alleviate their symptoms. Currently, their vitals remain stable. To ensure their speedy recovery, they have been advised by their attending physician to get some rest,” ayon pa sa pahayag ng Malakanyang.

Sa mga nakalipas na linggo, nagtungo ang First Couple sa Australia ng dalawang beses, Germany at Czech Republic.

Bunga nito, hindi na makakadalo ang Punong Ehekutibo sa kanyang “scheduled activities” sa mga susunod na araw.

 

Read more...