Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na maaabot ang walong porsiyentong pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas sa kanyang termino.
“Sure. Why not? You know, we plan. We always plan for the ideal. We don’t plan for a mediocre result. We plan for a very good result,” sabi ni Marcos sa isang panayam sa Malakanyang.
Sinabi pa nito na tiwala din siya na maabot ang 6.5 – 7.5-percent growth target para ngayon taon.
Ibinahagi niya na nagpapatupad ang administasyon ng mga polisiya para mapalakas at mapaunlad ang ekonomiya.
May mga programa at proyekto din aniya na isinasagawa para makabangon ng husto ang ekonomiya matapos padapain ng Covid-19 pandemic.
“Much of the policies that we’ve taken on are really to spur growth. That’s part of the most, that’s the most important part, because it is only growth that will pull us out of this,” sabi pa ng Punong Ehekutibo.