Pinaalahanan ngDepartment of Agriculture (DA) ang publiko ang publiko na asahan na ang pagtaas ng presyo ng mga isda sa susunod na linggo, Semana Santa.
Sinabi ni Asec. Arnel de Mesa na ang pagtaas ng presyo ay maaring magsimula na sa darating na Lunes, kung kailan posible na maraming Katolikong Filipino ang magsimula nang umiwas sa pagkain ng mga karne.
“Kasi tayo, 85 percent Catholics ang mga Pilipino so that drives alone, na mga Katoliko na nagninilay, kasama na iyon especially for Black Friday,”aniya.
Sinabi pa ng opisyal na ang pagtaas sa presyo ng mga isda ay mula 10 porsiyento hanggang 20 porsiyento.
Sa pagsubaybay ng kagawaran noong nakaraang linggo sa mga palengke, nagkaroon na ng bahagyang pagtaas sa mga presyo ng isda tulad ng mga popular na bangus at galunggong.
Idinagdag pa ni de Mesa na maaring tumaas din ang presyo ng mga gulay dahil alternatibong ulam din ito sa pag-iwas sa mga karne.