Ejercito sinuportahan ang pag-amyenda sa batas para sa proteksyon ng mga hayop

Suportado ni Sen. JV Ejercito ang pag-amyenda Animal Cruelty Act.

Nais ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na agad maamyendahan ang Animal Welfare Act.

Bunsod ito nang brutal na pagpatay sa isang alagang aso sa Camarines Sur, na ang istorya ay viral na ngayon sa social media.

Inamin ni Ejercito na isa siyang dog lover kayat labis siyang nanlumo nang mapanood ang video ukol sa pinatay na Golden Retriever na si Killua.

Kinondena niya ang pangyayari at malinaw na may mga batas na nalabag ang lalaki.

Bunga nito hiniling ng senador na agad nang maaprubahan ang panukalang amyendahan ang batas na nagbibigay proteksyon sa lahat ng hayop.

Kahapon, isinulong ni Sen. Grace Poe ang Senate Bill 2458 para maamyendahan ang batas at mas maprotektahan kontra sa lahat ng uri ng pang-aabuso ang mga hayop.

Read more...