Bato handang sumama sa pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy

Tiniyak ni Sen. Bato dela Rosa ang kaligtasan ni Pastor Apollo Quiboloy kapag ito ay nasa kustodiya ng Senado. (JAN ESCOSIO PHOTO)

Nagpahayag ng kahandaan si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na sumama sa pagsisilbi ng arrest order kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ito naman aniya ay kung hihinggin ng Senate Sergeant-at-Arms ang kanyang tulong kapag ipapatupad na ang utos ng Senado na arestuhin ang nagtatag ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC). Idinagdag pa ni dela Rosa na kung si Quiboloy naman ang hihingi sa kanya ng tulong para masiguro ang kanyang kaligtasan ay handa siyang pagbigyan ito. Tiniyak ng senador na walang mangyayaring masama kay Quiboloy kung ito ay makukulong sa loob ng Senado. Naniniwala rin si dela Rosa na walang karahasan na mangyayari sakaling isilbi ang arrest order dahil hindi naman marahas na tao si Quiboloy gayundin ang kanyang mga tagasuporta. Samantala, naniniwala ang senador na nasunod na lang ang proseso bago humantong sa pagpapalabas ng arrest order at kailangan na sumunod ang lahat sa batas. Aniya naniniwala na sa lahat ng mga desisyon ni Quiboloy ay mayroon itong dahilan.

Read more...