Dahil dito, nagpahayag na ng kahandaan ang Estados Unidos para tumulong sa mga bansa sa Southeast Asia upang matiyak ang freedom at safety of navigation sa rehiyon.
Ayon kay Rear Admiral Brian Hurley ng US Navy, nakatrabaho na nila ang mga pamahalaan sa Southeast Asia kaugnay sa pagtiyak ng freedom of navigation pati na rin ang kaligtasan ng mga tao sa rehiyon, at sinabing ipagpapatuloy pa nila ito.
Una nang pumayag ang Pilipinas, Indonesia at Malaysia na makipagtulungan sa isa’t isa tulad na lamang ng pagsasagawa ng sea at air patrols upang matiyak ang kaligtasan sa rehiyon.
Balak rin nilang mag-tayo ng “transit corridor” na magsisilbing sea lanes para sa mga bangka at barko sa mga dagat na sakop ng bawat nasabing bansa upang maiwasan ang nakababahalang mga pag-atake ng Abu Sayyaf at iba pang militanteng grupo.
Simula buwan ng Abril, tinatayang mahigit dalawang dosenang Indonesian at Malaysian na mga tripulante na ang dinukot ng Abu Sayyaf gamit ang kanilang mga speedboats.