Mga pulis na may ibang ‘raket’ binalaan

 

Inquirer file photo

Binalaan na rin ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa ang mga pulis na may mga ‘raket’ o sideline.

Sa kanyang mensahe, nagbilin si Dela Rosa sa kanyang mga commanders na i-account ang lahat ng kanilang mga tauhan, pagsuotin lahat ng uniporme at mag-patrulya sa kalsada.

Aniya, kaya dumadami ang mga kriminal sa mga kalsada ay kakaunti ang mga pulis para sa police visibility operations dahil marami ang nasa ‘raket’ o sideline nila.

Giit nito, ang mga pulis ay sinusuwelduhan para magsilbi sa mamamayan.

Batid din niya aniya na na ang mga rumaraket na mga pulis ay nagbibigay lang ng padulas sa kanilang commander.

Dahil dito, hinikayat nito ang mga pulis na isumbong sa kanilang intelligence group ang mga rumaraket na mga pulis para ang lahat ay magtatrabaho na ayon sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Read more...