Lapid nanguna sa pamamahagi ng ayuda sa OFWs

Kinilala ni Sen. Lito Lapid ang ambag ng OFWs sa ekonomiya ng bansa. (OSLL PHOTO)

Pinangunahan ni Senator Lito Lapid ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa higit 600 overseas Filipino workers (OFWs) sa Paranaque City.

Ang nabiyayaan ng tig-P2,000 ng DSWD-Assistance to Individual in Crisis Situation ay OFWs na residente ng Metro Manila.

Sa kanyang mensahe, kinilala ni Lapid ang pagsasakripisyo ng OFWs sa ibang bansa para lamang maitaguyod ang kanilang pamilya.

Pinasalamatan din niya ang mga ito sa kanilang napakalaking ambag sa ekonomiya ng Pilipinas.

Kamakailan lang ay naghain pa ng resolusyon ang senador upang maimbestigahan sa Senado ang pagkawala ng libo-libong balikbayan boxes mula sa OFWs.

Naging bahagi din ng pamamahagi ng ayuda ang OFW partylist.

Read more...