Mga istraktura sa Mt. Apo pinayagan din ng DENR pagbubunyag ni Tulfo

Ang Mt. Apo, isang protected area sa Davao City. (FILE PHOTO)

Ibinahagi ni Senator Raffy Tulfo na may mga negosyo na rin sa protected area ng Mount Apo sa Davao City.

Sinabi ni Tulfo na kinumpirma ito ng  Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa katuwiran na may dalawang taon lamang ang mga negosyo para sa kanilang operasyon.

Sa kanyang privilege speech,  sinabi ng senador na mga grupo ng mountaineers ang unang nagpahayag ng pagkabahala sa presensiya ng mga establismento sa Mt. Apo National Reserve sa bahagi ng Digos.

Binanggit pa niya ang mga negosyong Twin Mountain View Resort, Monte Frio Resort at Villa Recurso.

“Labas na sa buffer zone itong mga ito, kung ang pagbabasehan ay ang nakita namin sa Google Earth and comparing it with the map of Mount Apo,” ani Tulfo.

Ang hakbang na ito ay kasunod nang pagkakabunyag sa Captain’s Peak Resort sa Chocolate Hills sa Bohol, na isa din protected area.

 

Read more...