Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng 7,000 sa kanilang tourist policemen para bantayan ang mga aktibidad na may kaugnay sa paggunita ng Semana Santa sa susunod na linggo.
Ibinahagi ito ni PNP spokesperson, Col. Jean Fajardo at aniya ang mga naturang tourist policemen ay magbabantay sa seguridad ng mga banyaga at lokal na turista na dadagsa sa ibat-ibang lugar.
Bukod dito, 427 police service dogs ang ikakalat din sa mga transport terminals.
Ayon kay Fajardo natukoy na nila ang mga kriikal na lugar na higit nilang babantayan gaya ng tourist spots, transport terminals, airports, seaports, simbahan, at maging sa mga tinatawag na religious destinations.
Sa ngayon aniya ay wala pa silang natatanggap na anumang “credible threats” sa paggunita ng Semana Santa.