Kasunduan sa NAIA rehabilitation pinirmahán sa Malacañang

Kumpiyansa si Pangulong Marcos Jr., na malaki ang magbabago sa operasyon at serbisyo sa NAIA dahil sa P170.6-billion Public-Private Partnership (PPP) agreement. (PCO PHOTO)

METRO MANILA, Philippines — Nagsilbíng saksí si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagpirmá sa kasunduan  sa Malacañang para sa rehabilitasyón ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang Public-Private Partnership (PPP) agreement sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) and the New NAIA Infra Corp. (NNIC) ay nagkakahalagá ng P170.6 na bilyon.

Kumpyansa si Transportation Secretary Jaime Bautista na magbubukás ng maraming oportunidád para sa bansâ ang proyekto sa usapín ng pamumuhunan, trabaho. turismo at negosyo.

“We welcome this development for the NAIA PPP Project as this will not only generate revenue for the government but it will also create opportunities for Filipinos. With a modernized NAIA, we are elevating the airport’s facilities and services to international standards,” ani Bautista.

Tiniyák namán ni San Miguel Corp. (SMC) President at Chief Executive Officer Ramon Ang na sa bahagì ng NNIC hindí lamang rehabilitasyón ang kaniláng gagawín sa NAIA kundí pagagandahín pa itó at iaangát ang mga kalidád ng serbisyo.

“Together with our partner, Incheon, we have assembled a team of experts, focused on implementing immediate improvement, and help us achieve our long-term goal for NAIA,” dagdág pa ni Ang.

“This undertaking is not just about revenues that will be remitted to treasury alone, but resources invested in the airport,” sabi namán ni Marcos.

Epektibo ang kasunduan ng 15 taón at may opsyón na palawigin ng 1o taón.

Bukód kiná Bautista at Ang, pumirmá din sa kasunduan si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Ines.

Read more...