Ayon kay International Security analyst Professor Rommel Banlaoi, bahagi lamang ito ng ‘strategic communication’ upang makumbinsi ang ibang bansa na sila ang agrabyado sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Naiintindihan niya aniya ang China sa kanilang pananaw dahil matagal nang paniniwala nito na sila ang may karapatan sa mga pinag-aagawang teritoryo sa WPS batay sa kanilang historic claim bagama’t hindi niya ito sinasang-ayunan.
Paniniwala aniya ng China, ang Pilipinas ang iligal na nag-oocupy ng mga bahura sa Spratly’s simula noong 1970’ at sila ang nanahimik ng mahabang panahon.
Ang nakakatakot aniya sa sitwasyon ay ang posibilidad na ipakalat ng China sa kanilang populasyon ang naturang anggulo na posibleng pagmulan ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga taga-China at Pilipinas.
Malinaw naman aniyang walang kakayahan angPilipinas na mang-api ng kahit alinmang bansa, lalo na ang isang bansa na tulad ng China. / Jay Dones