Ibabalik sa Pilipinas ang 63 Filipinos mula sa Haiti, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) .
Sinabi ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac hindi na bumubuti ang sitwasyon sa Haiti.
Aniya isasagawa ang voluntary repatriation pagkatapos itaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 3 sa naturang bansa.
Ayon pa kay Cacdac ikinukunsidera nila na umupa ng eroplano para sa mga iuuwing Filipino. Nabatid na may 115 Filipino sa Haiti.
Lumala ang sitwasyon sa Haiti dahil sa ibat0ibang grupo at kinailangan na isara ang main international airport,
Wala pa naman sa mga Filipino ang apektado ng lumalalang kaguluhan.
MOST READ
LATEST STORIES