No Permit, No Exam policy hindi na uubra – Revilla

May batas na kontra “No Permit, No Exam policy.” (SENATE PRIB PHOTO)

Ganap ng batas ang isinulong ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na nagbabawal sa pagpapatupad ng “No Permit, No Exam” policy.

Ngayon, paliwanag ni Revilla, ang mga mahihirap na estudyante na may utang sa matrikula ay maari nang kumuha ng eksaminasyon.

Sakop aniya ng “Anti-No Permit, No Exam Act” ang lahat ng pribado at pampublikong paaralan mula sa Kindergarten hanggang Senior High School, gayundin sa mg unibersidad at kolehiyo at technical-vocational institutions.

“Hindi patas ang mundo, kaya nasa kamay nating mga mambabatas na gawing pantay ang laban ng buhay para sa lahat, lalo na sa mga hikahos at salat sa buhay,” aniya.

“Ang alay natin sa kanila ay kayamanang hindi kailanman mananakaw, ang edukasyon,” dagdag pa niya.

Umaasa si Revilla na magsisilbing pintuan ang batas para sa mga nangangarap na mag-aaral na mapapagbuti nila ang buhay sa pamamagitan ng edukasyon.

Kailangan lamang ng sertipikasyon mula sa local social welfare services na magpapatunay sa kondisyon sa buhay ng mag-aaral.

Read more...