Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman (OMB) ang pagbawi sa suspension order sa 23 opisyal at tauhan ng National Food Authority (NFA) na kabilang sa 139 unang sinuspindi dahil sa nabunyag na pagbebenta ng rice buffer stocks sa mga negosyante.
Hindi na kinilala ni Ombudsman Samuel Martires ang 23 ngunit aniya ang mga ito ay warehouse supervisors sa Metro Manila, Iloilo, Antique, at Cabanatuan City.
Ngunit aniya magpapatuloy pa rin ang kanilang pag-iimbestiga sa 23.
Naghugas-kamay din si Martires at sinabi na wala silang kasalanan at itinuro ang maling datos na ibinigay sa kanila.
Suspetsa niya may nanloko sa kanila.
Aniya humingi na sila ng kasagutan sa NFA ukol sa maling listahan at ikinatuwiran na ang inakala ang hinihingi ay listahan ng mga miyembro ng Task Force El Niño.
Iniimbestigahan na rin aniya nila ang nagbigay ng listahan sa kanila.