373 rescued Filipinos sa ni-raid na POGO hub sa Tarlac, pinalaya na

Minabuti ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na palayain na ang 373 Filipino na kabilang sa mga nailigtas mula sa sinalakay na Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa Bamban, Tarlac.

“Based on the recommendation of the Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) and the Department of Social Welfare and Development (DSWD), 373 Filipinos who were rescued from the Sun Yuan Technology Inc. in Bamban, Tarlac were released at around 11 p.m. last March 14,” ani PAOCC Usec. Gilbert Cruz.

Lumabas naman aniya na walang kinalaman sa mga sinasabing ilegal na aktibidades ang mga naturang Filipino.

May siyam iba ang kinakailangan naman na manatili dahil magsisilbi silang testigo, samantalang may isang Filipino ang kabilang sa posibleng maharap sa ibat-ibang kaso.

Bukod sa mga Filipino, may higit 500 banyaga ang nailigtas din sa naturang POGO hub, na sinalakay noong madaling araw ng Miyerkukes.

Sinasabing sangkot sa “love scam” ang naturang POGO hub, kung saan nadiskubre din ang ibat-ibang baril.

 

 

Read more...