Nakiusap na si Senator Imee Marcos sa mga nagsusulong ng pag-amyenda sa 1987 Constitution para mapalawig ang termino ng mga kasalukuyang opisyal.
“Konting kahihiyan naman!” ang pakiusap ni Marcos.
Aniya wala dapat pakinabang o benepisyo ang mga opisyal at mambabatas sa pag-amyenda sa Saligang Batas.
Reaksyon na ito ni Marcos hinggil sa naging pahayag ni dating Pangulong Duterte na ang isinusulong na Charter-change ay para mapalawig ang termino ni Pangulong Marcos Jr.
Ang Kamara tiniyak na walang isisingit na “politcal amendments” sa pag-amyenda sa 1987 Constitution, partikular na sa termino ng mga halal na opisyal.
MOST READ
LATEST STORIES