Hugas kamay sa Chocolate Hills resort, sino ang may-sala? – Binay

Noon lamang Miyerkules isinilbi ng DENR ang voluntary closure order. (FILE PHOTO)

Pinuna ni Senator Nancy Binay ang nangyayari ngayon na hugas-kamay at turuan ukol sa nabunyag na resort sa gitna ng Bohol Chocolate Hills.

Gayundin, ang kaliwat kanan na paglalabas ng memorandum orders ukol sa mga paglabag, hindi pagsunod, pagpapasara at kanselasyon kaugnay sa Captain”s Peak Resort sa bayan ng Sagbayan.

Ngunit ang hinahanap ni Binay sa ngayon ay kung sino aamin ng may pagkukulang.

Sinabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Tourism na hindi na maibabalik ng closure order ang napinsalang kalikasan.

Idiniin niya na sa naidulot na pinsala sa pagpapatayo ng naturang resort ay kailangan na may managot.

Nabanggit pa ni Binay amh pag-amin ng lokal na pamahalaan ng Sagbayan na noon lamang nakalipas na Miyerkules nag-abiso ang DENR ukol sa boluntaryong pagsasara ng resort.

Read more...