Congw. Vilma Santos-Recto: “Dapat maging maingat ako sa Kongreso”

Vilma Santos
Photo: Isa Umali

Wala pang posisyon si Lipa City Rep. Vilma Santos-Recto sa mga kontrobersyal na panukalang isusulong ng Duterte Administration sa 17th Congress.

Sa panayam sa Kamara, sinabi ni Santos na hayaan muna siyang pag-aralang mabuti ang proposed death penalty, Charter-Change o Cha-Cha para sa panukalang federal system of government, at diborsyo.

Paliwanag ni Santos, dating Gobernador ng Batangas, gusto niya ng panahon na mabusisi at balansehin ang mga naturang panukala upanang kung magkaroon ng botohan sa Kamara ay kayang-kaya niyang panindigan at depensahan ang kanyang desisyon.

Si Santos ay isa sa mga baguhang Kongresista na dumalo sa Executive Course on Legislation kaninang umaga sa Mababang Kapulungan.

Ayon kay Santos, marami siyang natutunan sa naturang kurso na maganda raw para sa kanyang bagong trabaho bilang mambabatas.

Kabilang naman sa mga isusulong at prayoridad niya bilang Kongresista ay may kinalaman sa mga kababaihan at kabataan, maging usapin sa local government units.

 

Read more...