Duterte at Robredo nagpulong sa Malacañang

Leni-digong
RTVM

Natuloy din ngayong araw ang inaabangang pulong sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.

Si Robredo ay sinalubong ni Duterte at kaagad silang nagkumustahan nang dumating sa Malacañang ang pangalawang pangulo kaninang pasado alas-tres ng hapon.

Bukod sa ilang isyung pulitikal, posible umanong pag-usapan ng dalawa ang ilang mga panukala ni Robredo kung siya’y tatanungin ng pangulo ayon sa ilang vice presidential staff.

Nauna nang sinabi ni Robredo na hindi siya hihingi ng anumang posisyon sa Duterte administration pero kung siya’y bibigyan ng pwesto ay malugod niya itong tatanggapin.

Sina Duterte at Robredo ay unang nagkita sa pagpapalit ng liderato ng Armed fForces of the Philippines (AFP) noong July 1.

Read more...