Tapyas sa presyo ng gasolina, krudo bukas

(FILE PHOTO)

Mababawasan naman ang presyo ng mga produktong-petrolyo simula bukas,araw ng Martes, Marso 12.

Sa magkakahiwalay na anunsiyo ng mga kompaniya ng langis, bababa ng P0.50 ang halaga ng kada litro ng gasolina, P0.25 naman sa diesel o krudo at P0.30 sa kerosene.

Ayon sa Department of Energy (DOE) ang pagbaba sa mga presyo ay bunga ng bumababang pangangailangan sa China at Amerika.

Ngayon taon, tumaas na ang halaga ng kada litro ng gasolina ng P5.95, P4,05 sa diesel at P0,05 naman sa kerosene.

Noong nakaraang linggo, tumaas pa ang presyo ng gasolina ng 50 sentimos, samantalang 40 sentimos ang nabawasa sa diesel at 35 sentimos sa kerosene.

Read more...