Nagtalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ng mga bagong opisyal sa Department of Finance (DOF).
Si Rolando Tungpalan ang bagong magsisilbing Undersecretary of the Corporate Affairs and Strategic Infrastructure Group at ang kanyang pangunahing responsibilidad ay mapabilis ang pagkasa ng Build Better More program at ang titiyak sa maayos na pamumuhunan ng mga negosyante sa bansa.
Si Joven Balbosa naman ang bagong Undersecretary for the International Finance Group (IFG) at si Gerald Alan Quebral ang bagong Assistant Secretary for the Revenue Operations Group, na magbabantay sa operasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ang bagong National Treasurer naman ay su Sharon Almanza, na nagsilbing officer-in-charge ng Bureau of Treasury (BTr).
Itinalaga din ni Marcos sina Donalyn Minimo bilang Director IV sa IFG at Cherry Mae Gonzales na bagong Director IV sa Information Management Service.
“I thank the President for appointing a new group of distinguished professionals in the DOF with whom I have worked in the past. They are valuable additions to the existing team in the DOF, which is comprised of equally talented individuals and who have been important pillars for the agency,” sabi ni Finance Sec. Ralph Recto.