Pagkawala ng balikbayan boxes pinalilinaw ni Sen. Lito Lapid

Hindi lamang inabandonang balikbayan boxes ang nais maimbestigahan ni Sen. Lito Lapid kundi ang pagkawala din ng mga pasalubong. (FILE PHOTO)

Naghain ng resolusyon si Senator Lito Lapid para maimbestigahan ng Senado ang reklamo ng libo-libong overseas Filipino workers (OFWs) na pagkawala ng kanilang ipinadalang balikbayan boxes.

Sa kanyang Senate Resolution No. 950, kasama din sa nais ni Lapid na mabigyang kasagutan ay ang mga insidente ng pagkawala ng ilang laman ng balikbayan boxes.

Aniya ay dapat ay gisahin ang forwarding companies sa ibang mga bansa gayundin dito sa Pilipinas para ipaliwanag ang isyu.

Bukod pa dito, dagdag pa ng senador, ang matagal na pagdating ng mga kahon na naglalaman ng mga katas ng pagsusumikap at sakripisyo ng OFWs.

Binanggit niya ang ulat ng Bureau of Customs (BOC) noong nakaraang Enero na 16 cargo forwarders ang hindi nakapaghatid ng balikbayan boxes noong nakaraang taon.

Nagresulta ito sa pagsasampa ng mga kaso sa 11 cargo forwarding companies, na nag-abandona ng libo-libong balikbayan boxes sa mga bodega.

Read more...