Imee nagbilin na maging maingat sa pagsasalita ukol sa WPS issue

Panatilihin ang independent foreign policy – Sen. Imee Marcos (FILE PHOTO)

Ipinagdiiinan ni Senator Imee Marcos ang kahalagahan ng pagpapanatili ng independent foreign policy, pasensiya at pagsasagawa ng mga diyalogo kasabay nang tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

“Huwag tayo masyadong maanghang magsalita kung puros daldal lang. Eh mainam, tiisin natin kahit nakakapikon at makipag-usap nang maayos sa lahat ng lebel. Sa Coast Guard level, military, cabinet, Senate, hanggang sa Pangulo,” ani Marcos sa panayam sa radyo.

Napakahalaga na lamang din, dagdag ng senadora, na pagtibayin ang depensa at kapabilidad ng militar sa halip na maghanap ng kakampi sa US o China.

“Pagtibayin na natin ang ating self-reliance defense posture. Talagang palakasin natin ‘yung sarili nating sandatahang lakas,” dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Foreign Relations.

Sa kasalukuyan ay nakabinbin na lamang sa Bicameral Confernece Commitee ang  Senate Bill 2455 at House Bill 9713 o ang  Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act (SRDP).

 

Read more...