PBBM puwedeng ihirit sa mga mambabatas ang economic Cha-cha – Angara

Sen. Sonny Angara sinabing mabigat ang “convincing power” ni Pangulong Marcos Jr. para sa suporta sa “economic Cha-cha.” (FILE PHOTO)

Makakatulong ayon kay Senator Sonny Angara si Pangulong “Bongbong” Marcos Jr., na kumbinsihin ang mga mambabatas na suportahan “ economic charter change.

Pag-amin ni Angara malaking hamon na makuha sa Senado ang 18 boto pabor sa pagamyenda sa 1987 Constitution.

Aniya kailangan na magsumikap ng husto ang pamunuan ng dalawang kapulungan ng Kongreso na mahikayat ang Punong Ehekutibo kumbinsihin ang mayorya ng mga senador na suportahan ang Resolution of Both Houses No. 6.

Tiwala si Angara na mas may bigat ang pangungumbinsi ni Marcos.

Dagdag pa ng namumuno sa Subcommittee on Constitutional Amendments na kailangan din na maipaliwanag ng husto ang mga idudulot ng pag-amyenda sa Saligang Batas.

May ilang senador na ang nagpahayag ng pagtutol sa Cha-cha sa katuwiran na ang mga layon nito ay maari naman idaan sa lehislatura.

Read more...