Romualdez bilib kay Zubiri na mailulusot ang economic Cha-Cha se Senado

Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na makakalusot sa Senado ang “economic Cha-cha” (FILE PHOTO)

Kumpiyansa si House Spoeaker Martin Romualdez kay Senate Presidenrt Juan Miguel Zubiri na makukumbinsi ang ga kapwa senador na aprubahan ang isinusulong na economic Charter-change.

Nangangailangan ng 18 boto mula sa 24 senador para sa apag-aprub sa pag-amyenda sa tatlong probisyong pang-akonomiya sa 1987 Constitution.

“We understand the challenges pero the Senate has always lived up to the challenge. Magaling yung mga senador natin and I know that they know whats good for the people,” sabi pa ni Romualdez.

Inihain ni Zubiri ang Reolustion of Both House No. 6 matapos maka-usap si Pangulong Marcos Jr.

Nakapgsagawa na ng apat na pagdinig ang binuong Subcommittee on Constitutional Amendments, na pinamumunuan ni Sen. Sonny Angara.

Sa bahagi ng Kamara, inaprubahan na ng House Committee of the Whole ang Resolution of Both Houses No. 7, na kopya ng RBH ng Senado.

Ilang senador na ang nagparamdam na hindi pa kailangan sa ngayon ang pag-amyenda sa Saligang Batas.

 

Read more...