Binansagan ng Malakanyang na “fake news” ang kumakalat na impormasyon na idineklarang “nationwide regular holiday” sa Lunes, Marso 11, kasabay ng paggunita sa bansa ng Eid’l Fitr .
Inilabas ang pahayag matapos kumalat ang Proclamation 729 na sinasabing inilabas ng Palasyo.
Nilinaw na ang naturang deklarasyon ay inilabas pa ni dating Executive Sec. Medialdea noong administrayong-Duterte.
“The circulating document labeled ‘Proclamation No. 729,’ which purportedly declares Monday, March 11, 2024, as a nationwide regular holiday in celebration of Eid’l Fitr, is spurious,” pahayag ng Malakanyang.
Ang Eid’l Fitr ay ginugunita ng mga Muslim matapos ang isang buwan na pag-aayuno sa Ramadan.
MOST READ
LATEST STORIES