PBBM haharap sa gov’t, business leaders sa Germany, Czech Republic

May working visit si Pangulong Marcos Jr., sa Germany at state visit naman ang pagpunta niya sa Czech Republic. (BONGBONG MARCOS FB PHOTO)

Bukod sa mga opisyal ng gobyerno, makakaharap din ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga negosyante sa pagpunta niya sa  Germany at sa  Czech Republic ngayon Marso 11 hanggang 15,.

Ayon sa Malakanyang ang working visit ni Marcos a Germany ay pagpapa-unlak sa imbitasyon ni German Chancellor Olaf Scholz at sila ay magpupulong sa Berlin.

Samantalang ang state visit niya sa Czech Republic ay base sa imbitasyon ni  Czech President Petr Pavel.

Bukod kay Pavel, makakaharap din ni Marcos sina Prime Minister Petr Fiala, Senate President Miloš Vystrčil, at Parliament Chamber of Deputies President Markéta Pekarová Adamová.

“This endeavor seeks to strengthen bilateral relations and foster increased cooperation with the two nations,” ayon sa Malakanyang.

Sa pakikipagpulong naman niya sa mga negosyante ng dalawang bansa, inaasahan na hihikayatin niya ang mga na mamuhunan sa Pilipinas.

Makakaharap din ni Marcos ang Filipino communities sa dalawang bansa.

“The visits come at a significant juncture as the Philippines just celebrated the 50th anniversary of bilateral relations with the Czech Republic last year and will commemorate the 70th anniversary of diplomatic relations with Germany this year,” dagdag pa ng Malakanyang.

Read more...