Review ng Rice Tarrification Law inihirit ni Hontiveros

Nais ni Sen. Risa Hontiveros na malaman ang naitulong ng Rice Tarrifucation Law sa mga magsasaka. (INQUIRER PHOTO)

Naghain ng resolusyon si Senator Risa Hontoveros para sa review ng pagpapatupad ng Republic Act  11203 o ang Rice Tariffication Law (RTL).

Sa kanyang resolusyon, sinabi ni Hontiveros na kinakailangan na magsagawa ng preliminary investigations sa pagbatid kung naging epektibo ang batas at nagkaroon ng pagbabago sa kita ng mga magsasaka base sa implementing rules and regulations (IRR) nito.

Dagdag pa ng senadora sa pamamagitan ng mga isasagawang imbestigasyon ay maaring mapagbuti pa ang pagpapatupad ng RTL hanggang sa susunod na taon.

Dahil sa batas sinasabing napaluwag ang pagnenegosyo ng bigas sa bansa, kasama na ang importasyon at eksportasyon.

Nabuo din sa batas ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na napaglalaanan dapat ng P10 billion sa anim na taon.

Ngunit nabanggit ni Hontiveros sa kanyang resolusyon na dahil sa rice smuggling, tinatayang P7.2 bilyon ang nawala noong nakaraang taon, bukod pa ang pagkalugi dahil naman sa “undervaluation and misclassification” ng mga inangkat na bigas.

Idinagdag pa niya ang resulta ng 2021 Financial Inclusion Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), kung saan nadiskubre na  14 % ng tinatayang 10 magsasaka at mangingisda sa Pilipinas ang nakarehistro sa   Registry of Basic Sectors in Agriculture at pito naman sa bawat 10 magsasaka ang walang transaksyon sa mga bangko.

Jan.Radyo

Read more...